Hagulgol


Nasaan ang pangako mo, sinta?
Noong ako'y sinusuyo mo pa?
Pag-ibig na kay tamis at saya?
Lahat nga ay itinaya ko na
Mula pa noon, pagtingin na kay ganda
Ikaw na nga ang nadarama
Mga bahagi ko na kulang pa

Binuo mo ako
Ako'y iyong nilingap
Sa aking pag-iisa, ikaw ang pangarap
Bagaman huli na ang lahat
Kalayaan ko'y wala na nga

Pag-iisang dibdib
Aking pinagsisihan
Lahat ng panaginip
Ikaw ang dahilan
Subalit tila lumalayo
Salawahan mong loob
Kaya ngayon
Ako'y tuliro

Ngayon, ika'y lumayo!
Sinungaling mong puso
Daig pa ang kalaboso
Sa pananahan mo rito
Hindi ko na maitatago
Mga matang humahagulgol
Ikaw ang may sala!
Ang salot mo ang napala

Ako nga'y naging tanga
Sa mga bagay na pinaasa
Hindi ko na mapapayagan pa
Mga maitim mo pang balak
Kaya't ako'y iyong bitawan
At huwag mong saktan
Ni minsa'y wala kang karapatan

Isinusumpa ko
Ako'y tatahan
Sa masasamang balak
Ikaw ay pipigilan
Kahit humantong man
Sa iyong pananakal
Aking itatarak
Sa puso mo ang balaraw!

x--------x

Ang tula para sa maikling kwento ay inihatid ng Landers.

Comments

Popular Posts