Bago

Isang pinsan ng kanyang kaibigan ang noo'y nagpatotoo sa mga bagay na nangyayari kay Joaquin, at maging sa kanya at sa halos lahat ng kanyang kaibigan. Biktima rin si Joaquin, subalit wala na rin naman siyang magagawa. Kailangan na niyang panindigan ang mga epekto ng kanyang desisyon, ginusto man niya ito o hindi.

Sa totoo lang, ayaw na siyang patahimikin ni Beatrice simula noong pumayag siya sa lahat ng mga balak niya. Pagsisihan man niya, subalit huli na ang lahat. Hindi naman niya kasi lubos maisip na may kakayahang gumawa si Beatrice ng mga ganitong bagay. Lahat ng ito ay bago sa kanya.


Dapat kasi ay nakinig siya sa Organisasyon at sa lahat ng kanilang babala. Magaling lang pala sa salita si Beatrice, subalit maitim ang kanyang budhi. Sa simula pala ay kukunin muna niya ang tiwala ng kanyang mga biktima. Ngayon, siya na ang susunod at walang kasiguruhan kung makakatakas pa siya.

Kung paano niya pinahirapan si Isabel ay hindi na siguro matatanto pa ni Joaquin kung paanong naging tulay ang Silid sa kanilang mga pakay. Ang Liga ng mga Kontrabida man ay walang nalalaman kung paanong pipigilan si Beatrice sa kanyang mga masamang balak.

Ano ang susunod bukod sa Silid? Anong pasakit ang naghihintay kay Joaquin?

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts