Paglisan

 "Joaquin!" 

Malakas na boses ang sumalubong sa kanya. Ka-aalis lang niya sa bahay na iyon, kung saan nalaman niyang matagal na palang patay ang kilala niyang Beatrice. Paglinga niya ay nakita niya na si Rosa ang tumatawag sa kanya.

"Rosa? Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo lung saan ako-?"

"Naririto?" sabad ni Rosa. Tumango na lamang si Joaquin sa kanya na tila naguguluhan pa rin. "Alam ko kasing hahanapin mo si Beatrice."


"Totoo ba?" tanong ni Joaquin. "Patay na si Beatrice?"

"Joaquin ..."

"Gusto kong malaman ang totoo."

Napabuntong hininga na lamang si Rosa. Handa na siyang magtapat kay Joaquin.

"Kung ano man ang sinabi nila tungkol sa kanya, totoo ang lahat nang iyon. Matagal na nga siyang patay."

"Pero bakit nakakausap natin siya?"

Tumango na lamang si Rosa. "Totoong nakakausap natin siya. Pero tanging ikaw lamang ang nakakakita sa kanya."

"Pero siya ang lider natin hindi ba? Paanong ako lang ang nakakakita sa kanya?"

"Huwag kang mabibigla, Joaquin, ha? Pero wala naman talagang spirit questors. Sumakay lamang kami sa gusto niyang mangyari."

"Pero bakit?"

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Max's Corner Bakery.

Comments

Popular Posts