Memorya

Naguguluhan na si Joaquin. Madalas, nagigising na lamang siya sa gitna ng gabi habang nananaginip siya na kausap niya si Beatrice. Sa kanyang pakiramdam, totoong-totoo ang pakikipag-usap niya na para talagang nangyari ang naging usapan nilang dalawa.

Ang sabi ng mga kasapi sa Liga ng mga Kontrabida, kailangan daw siyang gamitin ni Beatrice upang gamitin ang kanyang abilidad bilang Bida-Kontrabida, lalo na ang kanyang Retina, upang gabayan ang magiging mga plano ni Beatrice.

Unti-unti na ngang nabubuo ang mga maitim na balak ni Beatrice habang pinaglalaruan nito ang mga memorya na mayroon si Joaquin. Pilit na inuudyukan ni Beatrice ang mga emosyon ni Joaquin upang makuha niya ang mga nakikitang ala-ala ng mga Retina nito.


"Nais niyang maghiganti nang sagad sa buto," ang sabi sa kanya ng isang miyembro ng Lupon ng Organisasyon.

Wala talagang nakaaalam ang pinaka-motibo ni Beatrice upang gawin ang mga bagay na ito. Hindi naman din kasi siya nag-aalaka kay Isabel. Ayon sa Organisasyon, ginagamit lang din niya si Isabel noon pa man.

"Ngayon, ikaw ba ang kanyang pinupuntirya niya. Mag-ingat ka, Joaquin. Hindi lahat ng pagmamahal ay mabuti. Lahat ng sobra ay masama."

Nalalaman ni Joaquin kung ano ang nakataya sa pakikipag-ugnayan niya kay Beatrice. Nalaman na rin niya kung paano niya pinahirapan si Isabel hanggang sa mamatay ito.

Kung ano o bakit si Joaquin ang napili ni Beatrice upang susunod nitong biktima ay walang tunay na nakakaalam. Maliban sa kanyang malinaw na Retina, wala nang ibang naisip ba motibo ang Lupon ng Organisasyon.

x---------x

Ang Larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts