Habilin

 "Sino ka ba talaga? Nahihirapan na ako, Beatrice. Bakit mo ba ako ginaganito?"

"Pakiusap, Joaquin. Tulungan mo ako. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa akin."

"Totoo ba ang sinasabi nila? Isa ka raw kriminal? Marami ka raw sinaktan? Mga kaluluwang ligaw? Mga taong iyong pinarurusahan ng labis? Totoo bang binabali mo ang batas ng Lupon ng Organisasyon?"

"Aamin ko. Totoo ang mga bintang nila."


"Pero bakit? Bakit pinili mong maging masama?"

"Maging masama, Joaquin? Wala kang nalalaman. Hindi mo sila kilala. Masyado silang masama. Mga sadista sila!"

"Ikaw man ay naging katulad na nila, Beatrice."

"Hindi totoo 'yan! Mas masama sila. Sakim. Mga ipokrito sila! Sila ang mas masahol pa sa mga mababangis ba hayop. Sila ang tunay na mga kriminal. Mga mamamatay tao!"

"Huwag mong hayaang nahuli ka ng mga Aswang Pulis, Beatrice. Maawa ka sa sarili mo."

"Hindi nila ako mahuhuli nang buhay."

"Beatrice, sumuko ka na."

"Wala ka talagang nalalaman. Pinahirapan nila si Isabel! Pinaglaruan. Sinaktan. Binugbog. Pinatay nila si Isabel nang walang kalaban-laban!"

"Sino nanan si Isabel? Beatrice, huwag mong gawin ito."

"Pasensiya na, Joaquin, kung gagamitin kita mula ngayon. Wala na kasing iba pang paraan akong alam. Salamat at nakilala kita. Sana ay magkita pa tayo sa dako pa roon."

"Beatrice... huwag!"

"Paalam."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SM Supermarket.

Comments

Popular Posts