Espiritu

"Sino ang hinahabap mo, hijo? Ano nga ulit ang pangalan?"

"Beatrice po. Narito po ba siya? Matagal ko na po kasi siyang hinahanap. May isang buwan na po kasing hindi siya nagpaparamdaman at hindi ko alam kung bakit."

"Sinong Beatrice?"

"Siya po. 'Yung nasa kwaderno niyo po. Mas lalo pa po pala siyang gumaganda kapag nakasuot ng filipiniana."

"Siya? Siya ang sinasabi mong si Beatrice?"


"Siya nga po."

"Paano mo nakilala si Beatrice?"

"Ano po kasi, may sinalihan po kasi akong grupo na siya ang Pangulo. Mga spirit questors po kami. May dapat po kasi kaming puntahan kasama ang iba pa naming mga kagrupo, kaya nagbakasakali na po akong pumunta rito."

"Anong pangalan mo na nga, hijo?"

"Joaquin po."

"Joaquin? Joaquin de Dios?"

"Paano po ninyo nalaman ang buo kong pangalan?"

"Magkasintahan ba kayong dalawa, Joaquin?"

"Opo. May magagalit po ba?"

"Huwag kang mabibigla, hijo. Pero matagal nang patay ang sinasabi mong Beatrice. Noong 1953 pa."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uptown Mall.

Comments

Popular Posts