Sagasa

 Ako nga pala si Juan. Nuebe anyos pa lang ako noong nasagasaan ako at biglaang namatay. Hindi ko na maalala ang eksaktong nangyari noong araw na iyon. Basta ang alam ko, mabilis ang takbo ng kotse at habang ako ay tumatawid ay bigla na lamang akong nahagip ng nguso ng sasakyan at tumilapon sa gilid ng kalsada.

Naramdaman ko ang tama ng kotse sa aking baywang at natatandaan ko pa ang pagtalsik ko habang nakakita ako ng nakakasilaw na liwanag. Maraming tao sa palengke noong araw na iyon, at naaalala ko pa ang sigawan ng marami noong nahagip ako ng sasakyan.


Pagkatapos ng pagkasilaw ng aking mga mata sa nakakabulag na liwanag, biglang tumahimik ang palagid. Pinilit kong bumangon, bagaman nananakit ang aking kawatan. Nais ko sanang komprontahin ang nakabangga sa akin. Subalit noong nakatayo ba ako ay biglang naglaho ang karamihan ng tao. Naroon ang kotse na nakabangga sa akin, ngunit wala na ang drayber.

Naguluhan ako. Nasaan ang mga tao?

Luminga-linga ako upang maghanap ng taong makakausap. Pamilyar naman sa akin ang lugar pero bakit pakiramdam ko'y para akong naliligaw? Ano ba ang nangyayari? Bakit para akong mag-isa.

Masakit pa rin ang katawan pero buti na lamang at hindi ako namatay.

"Nasaan ka?" tanong ng isang boses. "Bakit nandito ka?"

Hinanap ko kung sino ang nagtatanong. Kinabahan ako bigla. Bakit parang hindi na normal ang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?

"Tumungo ka sa liwanag?" tanong muli ng boses.

x---------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts