Pananaw

 Ang sabi nila, ang lahat daw ng bagay ay isang perspektibo lamang. Depende raw sa tumitingin. Ang lahat lamang daw ng mga nais nating matanaw ang makikita natin. Kung hindi raw natin hinahanap, hindi rin daw natin makikita.

Pero bakit ako? Ayoko namang makakita ng mga Bida subalit pilit ko silang nakikita? Hindi ko sila kailangang hanapin dahil lagi silang nagpapakita sa aking presensiya. Nagmamasid. Nakabantay. Nakatanaw sa mga nais kong gawin. Minsan, nakikialam din sila sa mga desisyon ko sa buhay.

Hindi ko alam kung tama nga ang ginagawa nila. Nawalan na rin kasi ako ng kompiyansa sa sarili ko. Tila lahat ng sinasabi nila sa akin ay puno ng kasinungalingan, pero ayoko na ng argumento kaya't aayon na lamang ako sa lahat ng naisin nila.


Dito na nga nagsimula ang problema. Ngayon, hindi lamang mga Bida ang humahabol sa akin. Kahit mga Aswang Pulis ay nakabuntot na sa lahat ng aking galaw. Pakiramdam ko, isa na akong kriminal. Isang pugante mula sa piitan ng silid ba 'yun!

Pinagsisisihan ko kung bakit ko binili ang bahay na iyon. Pinagsisisihan kong matulog sa silid na iyon. Ang dagat man ay nakikiisa sa pag-aalsa ng aking damdamin hinggil sa mga bagay na bumabalot sa hiwafa ng salot nq bahay na iyon!

Ayoko na. Pagod na ako. Hindi ko na kayang magtiyaga pa. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na gustong alamin pa ang kwento ng bahay na iyon! Ayoko nang madamay pa sa hiwagang bumabalot sa silid.

Ako na ang tumulong, sa huli, ako pa ang naging masama. Sa dami ng gustong ako ay masilo, hindi ko na alam kung sino sila at kung sino ang totoo.

Isa nga akong Kontrabida. Nararamdaman ko na ang pagsisimula.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Del Monte Philippines.

Comments

Popular Posts