Krimen

Nakita ko sila. Tatlo silang Aswang Pulis ang humuli sa kanya. Noong una pa lang ay sinasaktan na nila siya. Bago pa man nila iabot ang mga dokumento sa kanya, pilit na nila siyang pinaaamin sa mga kasong pilit naman niyang pinabubulaan.

Isinisigaw niya ang kanyang mga karapatan, subalit hindi sila nakikinig. Desedido ang mga Aswang Pulis na siya ay ibilanggo kung kaya't ginagamitan na nila ng dahas ang panghuhuli sa kanya.

"Hindi ako ang taong iyan! Bitiwan ninyo ako!"


"Tumahimik ka! Basta sumama ka sa amin amin nang tahimik at hindi ka masasaktan!"

Hindi siya nakinig sa paninindak ng mga Aswang Pulis kaya inilabas na niya ang kanyang gintong rebolber.

"Hindi ako mangingiming gamitin ito sa inyo," tugon niya. "Huwag ninyo akong pagbintangan ng mga bagay na hindi ko ginawa."

"Kakasuhan ka namin sa Organisasyon kung magmamatigas ka pa. Kaya ka naming saktan nang labis kung gusto mong hindi ka mahuli nang buhay."

"Subukan ninyo."

Umangil ang dalawang Aswang Pulis, tanda ng kanilang paghahanda para sa atake. Lumundag ang isa patungo sa kanya upang siya ay igupo, habang ipinutok naman niya ang gintong rebolber. Nakaiwas ang Aswang Pulis habang nakalmot naman siya sa kanan niyang braso.

"Hindi lang iyan ang aabutin mo kung magmamatigas ka pa."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts