Takot

 Ano nga ba ang takot? Bakit nga ba kailangang matakot? Hindi ba hindi naman sila totoo? Mga kathang-isip lamang sila? Mga produkto ng mapaglarong imahinasyon ng mga tao, manunulat, at ng iba pang mangagawa sa mundo ng aliwan? Subalit bakit ako natatakot ngayon? Ano ba ang mayroon?

Naririnig ko sila. Tumatawa. Nanunuya. Mga tunay nga silang mga halimaw! Silang hindi nagpapatahimik ng mga biktimang kaluluwa, silang naghahanap ng mga taong guguluhin. Ngunit magulo na ang utak ko, maging ang buhay ko. Ano pa ang gusto ninyo?! Sinira na ninyo ang buhay ko!


Magsitigil kayo! Nagmamakaawa ako. Ano ba ang ginawa kong kapalaluan? Bakit ayaw na ninyo akong patahimikin? Patay na ako. Isa na lamang akong kaluluwa. Hanggang dito ba naman, susundan pa ninyo ako?

May magagawa ba ako? Kailangang sumayaw sa tugtugin ng mga halimaw na ito!

Ako nga pala si Isidro, isang spirit questor. Nagpakamatay upang takasan sila. Mga halimaw sila. Mga Aswang. Hindi nila ako kayang hulihin ng buhay, kaya't nagpakamatay ako. Sila ang dapat mahiya sa ginagawa nila. Hindi ako masamang tao. Tinutulungan ko lamang sila.

Ang mga kaluluwa. Oo, silang mga naliligaw at nanghihingi ng awa.

Hindi marunong maawa ang mga halimaw na 'yan!

Bahala na. Sundan nila ako hanggang gusto nila. Bakit ako matatakot? Sila ang dapat matakot. Sila ang totoong halimaw hindi ako! Tao ako. Nagpapakatao ako. Hindi ako halimaw. Tantanan nila ako.

Layas! Lumayas kayo!

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SM Supermalls.

Comments

Popular Posts