Sulat

 Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang liham na ito, subalit kailangan kong gawin. Kailangan kong gawin dahil maraming tao ang maaapektuhan ng magiging desisyon ko. Ayokong magmukhang katawa-tawa, o balimbing. Ayokong pagtawanan dahil naging tanga ako sa mga desisyon na ginawa ko noong mga panahon na iyon.

Alam kong mali ang mga nangyari subalit wala naman na akong magagawa. Kahit paulit-ulit ko pang sisihin ang sarili ko, hindi ko naman ba mababago ang nakaraan. Ganoon nga siguro ang silbi ng nakaraan. Kailangan nitong paulit-ulit ipaalala ang mga pagkakamali upang huwag na natin pang ulitin ang mga katangahan. Iaadya ang mapanganib. Ang itakwil ang masama.


Ngunit nasaan na sila? Bakit tila hindi sila nakapaghintay? Unti-unti silang lumisan. Binaliwala nila ang mga panaghoy ng mga nagdurusa. Napakabilis nila akong kundinahin. Nawala na nga ang mabuting konsepto ng hustisya sa mga naging galaw ng Organisasyon noon pang mga nakakaraang taon at araw. Inusig nila ako nang biglaan. Wala man lang sabi-sabi. Basta isang araw, naging kriminal na lamang ako.

Bakit napakabilis naman nilang limutin ang mga ginawa ko rin na kabutihan para sa Organisasyon? Hindi ba't naging bahagi rin ako ng Konseho ng Bida, minsan sa tanang buhay ko? Bakit bigla silang namuhi sa akin? Anong ginawa ko? Bakit galit na galit kayo sa akin?

Alam kong mapanganib ang pagsulat ko ng liham ba ito, pero wala naman akong magagawa. Alam kong mas lalo silang magagalit sa akin sa paglalabas ko ng saloobin sa pamamagitan ng sulat na ito, pero wala na akong pakialam. Basta ang alam ko, malinis ang aking konsensiya. Sa huli, personal nilang responsibilidad ang muhi nila sa kanilang kapwa.

Isinulat ko ang ..... ...... ..... bagaman ...... ....... subalit ako ...... sila naman....... ......... huwag nila akong ...... ........ ......... bakit? ...... ......... wala man ako ...... ........ sila ang salarin, hindi ako! .........

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts