Baliw

 Sino nga ba ang tunay na baliw? Sila na umaalipusta ng kapwa o ako na nakakakita ng mga bagay na hindi nila nakikita? Ako nga ba ang dapat kaawaan o sila na sagad sa buto ang pang-aapi sa kapwa?

Maraming tao ang tila naguguluhan sa realidad ng buhay. May iba na mabilis humatol tungkol sa pagkatao ng iba. Wala silang pakialam sa emosyon ng mga taong ayon sa kanila ay baliw at pilit pang isasaksak sa pag-iisip ng mga tao ang mga kabaliwan na sila mismo ang may gawa.


Kaya nga, hindi na ako sigurado na ako nga ang tunay na baliw. Oposisyon lang naman ang may sabi noon. Marahil makikita rin ng iba ang paniniil ng gobyernong ito. Balang araw ay maliliwanagan din sila na ang mga kabaliwans ito ang siyang tunay na mapagpalaya sa kanila. Sapagkat ang Organisasyon ang tunay na baliw! Ang mga Aswang Pulis ang mga walang puso!

Huwag nila kaming apihin sa mga pagkukulang ng iba. Ang mga Kontrabida ang nagkulang ngunit bakit kami ang dapat magdala ng mga parusang idinudulot nito? At ang pinakamasakit sa lahat, kami pa ang itinuring na baliw?

Pakawalan ninyo kami! Tutulan ang lahat ng uri ng paniniil! Ibagsak ang pamahalaang manunupil!

Huwag nilang idahilan ang kabaliwan ng iba upang isulong ang kanilang pansariling interes! Hindi kami baliw, kayo ang tunay na maramit. Ibigay ninyo ang mga ninakaw ninyo sa amin. Wala kayong karapatan!

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng MerryMart.

Comments

Popular Posts