Tula

Dalisdis ng Panaghoy

 Isang munting tinig ang sumisigaw
Sa kanyang ulirat, may panganib
Ngunit saan tutungo
Ang layon ng mundo
Kung sariling puso
Ay hindi matanto

Subalit bakit may dungis
Ang itinitibok ng pag-ibig
Mga boses na may diin
Sa parusa ng mundo ay sakit

Nasaan
Kailan
Bakit
Mga nakalilitong panganib
Bagay na nabuo sa yungib

Mula sa retina o gintong rebolber
Isang tunggalian
Mga karakter na sumasayaw
Sa tugtog ay idinuyan


Mali, hindi siya
Hindi sila
Mga multo o halimaw
Hindi masilayan

Sa isang silid
Nagkaroon ng gilid
Lumitaw
Mga masahol na halimaw
Nagtitimpi, ngunit saan
Walang laban na patas

Sa isang hudyat, girian
Nakababaliw na sandatagan
Sa panaginip o panganib
Lahat ay nasawi

Tutulan
Labanan
Rebolusyon ng nararamdaman
Pigilan
Kalayaan
Ang dapat unahan

Hanggang dulo'y paghihintay
Lahat ay handang sumuway
Sa tanikala ng tula
Lahat ay mawawala

Bida
Kontabida
Mga karakter na walang konsensiya
Ibibida
Tututulan
Lahat sila ay kawatan

Ang Organisasyon ay huwad
Lahat ay bumabaligtad
Sa mga bagay 
Na walang saysay
Hanggang ang kahulugan
Ay sadyang maabutan

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts