Silaw

 Nakakasilaw ang kanyang ganda. Matagal na niyang nagagandahan si Beatrice, pero iba ang ganda niya ngayon. Bagay na bagay pala ang puting kasuotan sa kanya, at bagaman nakasisilaw ang liwanag, hindi siya nakakasawang pagmasdan at panoorin.

"Joaquin, bakit?" tanong ni Beatrice. "Kanina ka pa tulala, ah. May problema ba?"

"Ha?" matulin na sagot ni Joaquin. "Wala. Ang liwanag mo palang tingnan sa ganyang anggulo."

"Maliwanag?" natatawang tugon ni Beatrice. "Kulay itim kaya ang suot ko."


"Itim?" tanong ni Joaquin. "Hindi ka ba naka-puti? Ang liwanag kasi eh, at saka ang ganda-gandang pagmasdan. Mas lalo kang gumaganda."

Hindi malaman ni Beatrice ang isasagot. Hindi niya alam kung nagbibiro o nangungulit lamang si Joaquin. Bigla na lamang siyang kinabahan.

"Tara na? Madilim ang langit. Baka bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan."

Bukod kay Beatrice, may isang bata at isang babae rin ang nakikita ni Juaquin na nakasuot ng puti. Katulad ni Beatrice, lumiliwanag din sila at nakakahalinang titigan.

"Beatrice, ang cute ng bata, hano?"

"Sinong bata? Saan?" tanong ni Beatrice. 

"Sa tabi mo," nakangiting sagot ni Joaquin.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Jollibee.

Comments

Popular Posts