Pag-uusap

 "Nasaan siya? Nasaan ang taksil?"

"Hindi ko alam."

"Alam kong alam mo. Huwag kang maglihim sa Organisasyon! Kasama mo siya hindi ba?

"Hindi."

"Kasama mo siya ngayon, hindi ba? Sumagot ka!"

"Sinabi ko nang hindi, 'di ba? Bakit ayaw mong maniwala?"

"Sapagkat hindi pa siya nakikita ng mga Aswang Pulis! Dahil itinatago mo siya, hindi ba?"

"Wala akong nalalaman sa sinasabi mo. Huwag mo akong pagbintangan ng mga bagay na wala akong alam."

"Sinungaling ka! Huwag mong pagtaksilan ang Organisasyon!"

"Kung hindi ka naniniwala sa akin, bakit hindi mo tanungin ang Konseho ng Bida? Wala talaga akong alam sa mga ibinibintang ninyo sa akin."


"Hanggang ngayon nagsisinungaling ka pa rin para sa kanya. Bakit mo siya pinoprotektagan? Hayaan mo siyang mahulog sa aming bitag."

"Hindi ko alam."

"Huwag mo siyang itago!"

"Wala. Wala akong nalalaman."

"May sinumpaan kang tungkulin sa Liga ng mga Kontrabida. Pinagkatiwalaan ka ng Lupon ng Organisasyon. Ito pa ang igaganti mo sa amin?"

"Wala akong kasalanan. Hindi jasalanan ang umibig."

"Edi inamin mo rin. Itinatago mo nga siya!"

"Wala akong dapat aminin. Wala akong ginagawang masama."

"May mga alintuntunin na dapat mong sundin!"

"Sundin? Gusto mong sundin ko ang mga pagkakamali ng Organisasyon? Gusto momg pagtakpan ang mali ng Lupon? Hindi ko magagawa iyon."

"Pwes, wala ka nang magagawa pa. Mahuhulog din siya sa mga bitag namin."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Landers.

Comments

Popular Posts