Laban

 Alam ni Beatrice kung ano ang dapat mangyari habang nananaginip ng mga dapat mangyari. Nasa utak niyang lahat ang mga naunang eksena, at hindi siya muli pang magkakamali. Si Joaquin na nga ang magdadala sa kanya sa dako pa roon.

Hindi rin naman mahirap patulugin sa Joaquin, at pasukin ang kanyang gunita, isipan, panaginip, pati na rin ang kanyang haka-haka. Lahat ng ito ay buhay na nangyayari sa kanyang utak, at nagagawang pasukin ito ni Beatrice na hindi nalalaman ng sino man. Kahit si Joaquin mismo, wala siyang nararamdaman.

Kaya nga mas madalas na siyang isama ni Beatrice sa ghost hunting ng mga Spirit Questors. Matagal na rin naman kasi silang natengga. Kailangan na nilang kumilos.

"Makikita mo rin siya at makakausap, tiwala lang," ani Joaquin kay Beatrice.

"Sana," sagot naman ni Beatrice. Alam niyang maisasakatuparan na ni Beatrice ang lahat ng kanyang plano.


Magbabayad sila, lalo na ang Liga ng mfa Kontrabida.

"Ano 'yun?!" 

Biglaan ang sigaw ni Beatrice, habang itinuturo ang isang sulok ng silid. Lahat na kasapi ng Spirit Questors ay nagmadaling tumungo sa kanilang lugar upang tingnan kung ano ang nangyayari.

"Multo!" sigaw ni Joaquin.

"Madali tayo! Kailangan natin siyang makausap. Ngayon na!"

Matapos nilang paligiran ang mukto ay bigla itong nawala. Nabigong muli ang mga Spirit Questors. Pero para kay Beatrice, alam niya ang nangyayari.

Minamanmanan na siya ng Konseho ng Bida. Kailangan na niyang magmadali. Kinabukasan, papasok muli siya sa utak ni Joaquin upang tingnan kung may importanteng mangyayari.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts