Alaala

 "Anong ibig mong sabihin, Beatrice? Hindi kita lubusang maunawaan. Bakit importante kong maalala ang sinasabing pangyayari?" ani Joaquin matapos siyang pwersahin ni Beatrice kung may natatandaan siya sa lugar kung saan sila nakatayo. May tono ng pagmamadali ang tinig ni Beatrice.

"Wala ka ba talagang naaalala sa lugar na ito? 'Yung totoo, Joaquin? Sabihin mo sa akin ang totoo!"

Nakakunot ang mga kilay ni Joaquin habang pilit na mibamasdan ang lugar kung sakiling mayroon siyang maalala.

"Wala, Beatrice. Wala akong maalala. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito," sagot ni Joaquin.

Nasa likuran ni Joaquin si Beatrice habang minamasdan nilang dalawa ang lugar. Nakakaramdam siya ng presensiya ng mga multo. Ano mang oras ay maaring maharang sila ng mga Bida. Kung magkataon ay masisira ang lahat ng kanyang plano. Kailangan nang magmadali.


"Ganoon ba?" sabi ni Beatrice. "Ako kasi, naaalala ko kung saan ako unang nangarap. Kung saan ako unang nadapa. Kung saan ako unang umibig. Nasaktan. Nabigo. Ikaw? May mga alaala ka rin bang itinatago sa puso mo?"

"Mayroon naman," sagot ni Joaquin. "Pero may mga karanasan kasi tayong mapait, at kung gayon, madalas kinakalimutan na lamang natin ito. Pasensiya ka na ha?"

"Ha? Oo naman. Wala 'yun. Iba-iba talaga ang sagot natin sa hamon ng buhay."

"Salamat," tugon ni Joaquin. "Ayoko kasi siyang pag-usapan e."

"Sino? Sino siya?"

Umiling-iling si Joaquin. Matagal na niyang itinago ang karanasang iyon. Akala niya ay gumaling na amg sugat, subalit hindi pa pala.

"Isa siyang halimaw."

May palihim na ngiti ang nabuo sa mga labi ni Beatrice. Tama nga ang hinala niya.

x-------x

Ang maikling kwento ay hatid ng AboitizLand.

Comments

Popular Posts