Saan

 "Isabel, nasaan ka? Naririnig kita. Hayaan mong tulungan kita, pakiusap. Dinggin mo kami. Huwag mong gawin ito."

"Sino 'yan? Sino ka? Huwag kang lalapit."

"Narito lamang ako, Isabel. Alam namin ang naging sitwasyon mo, at ninanais naming itama ang pagkakamali ng Organisasyon."

"Anong pagkakamali? Magpakita ka! Huwag kang magtago sa silid na 'yan!"

"Isabel..."


"Tumigil ka! Huwag mo kong ibuyo tungo sa kapahamakan. Alam kong isa ka ring Aswang. Lumayas ka!"

"Intindihin mo ang mga sinasabi ko. Isa itong bitag. At ikaw lamang ang simula."

"Anong simula? Anong bitag? Huwag mo kong lapitan."

"Nakikita na kita. Mayroon akong retina. Hindi ako isang multo. Ginagamit ko lamang ito bilang..."

"Huwag kang lalapit! Isa kang multo!"

"Narito ako upang tulungan kita. Huwag kang lumayo!"

"Sisigaw ako. Tulungan ninyo ako! Aswang! Multo! Mga kapitbahay!"

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts