Hamon

 Maraming mga bagay ang nanghihingi ng paliwanag mula sa mundo, at sa mga tao mismo, maging sa mga pangyayaring tila mahiwaga at imposibleng mangyari. Ang hamon mula rito ay malaman kung alin ang totoo, alin ang gawa-gawa lamang, alin ang may basehan, at alin ang walang saysay.

Kaya nga, ang Organisasyon ay naniniwala sa mga hamon ng buhay, maging sa mga elemento ng karapatang mabuhay na walang alinlangan, at sa balanse na nagmumula sa tama at mali. Sila ang mga tauhang nagmumula sa kapangyarihan ng panitikan; sila ang bumubuo sa mga pangarap, panaghoy, tuwa, kasaysayan, at aral na nakatitik sa mga pampanitikang akda. 


Ang mga tauhan at kanilang paglalarawan sa mga piling akda sa literatura ang bumubuhay sa misyong ito. Bawat paglilimbag ng mga nobela o akdang hindi piksyunal ay nagbibigay liwanag sa pagkatao ng mga mambabasa. At mula roon ay nagkakapitak sa kanilang mga puso upang maunawaan ang mga bagay na moral.

Bida man o kontrabida, lahat ng mga tauhan ay mahalaga sa pagkakadibuho sa mga ekemento ng kwento. Ang Organisasyon ng pagsasalaysay at pagkakasulat sa mga elementong nagbibigay buhay sa mga bagay na malulungkot bagaman may kaunting saya, o mula sa kalungkutan at magtatapos sa kasiyahan at buhay na may pag-asa.

Tunay ngang ang balanse ng buhay ay magaganap lamang kung ating mapagtatagumpayan ang mga pagsubok ng buhay, ang ating tugon sa mga pangyayaring masama man o mabuti, ang paglaban sa mga tauhang masasama, at pagkakaunawa sa hamon ng balangkas ng kwento.

x--------x

Ang maikling kwento ay mula sa pagtataguyod ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts