Digma

 Kung inaakala ng iba na isang simpleng digmaan lamang ang nagaganap sa mga panahong ito, nagkakamali sila. Ang digmang ito ay nagmumula sa mga mismong kwento ng totoong buhay, katulad ng mga itinuturing na malas at iba pang nakakahindik na mga pangyayari. Naroon din ang mga pag-asa, pasakit, pagkakabaha-bahagi, at iba pang karahasan o pang-aabuso. Sa madaling salita, ang Organisasyon ay nabubuhay sa gitna ng mga kwento ng buhay ng mga tunay na tao.

Subalit hindi rin naman pwedeng pabulaanan na ang mga bida at ang mga kontrabida ay tao rin namang totoo, ngunit nabibilang lamang sa isang espesyal na mundo ng mga kathang-isip at imahinasyon. Sila ang mga pinili ayon sa pamantayan ng Lupon ng Organisasyon upang tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong nito.


Ganoon pa man, bagaman nanatiling nakatayo ang Organisasyon sa mahabang panahon na walang kahit anong problema, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na nagdulot ng kaguluhan sa buong mundo, kabilang na ang sa mga tao sa sanlibutan. Ito ngayon ang ninanais na tugunan ng Lupon sa pamamagitan ng Konseho ng Bida at Liga ng mga Kontrabida.

Ngunit hindi ito isang simpleng problema. Lumala ito nang lumala hanggang sa naapektuhan na nito ang mismong Organisasyon, at ang mga tauhan na bumubuo rito. Unti-unti, ang iba sa kanila ay naging mga iskalawag, habang ang iba naman ay nagnais na lumihis at humiwalay sa mga alituntunin ng Lupon at ng Organisasyon mismo. Dahilan sa naidulot nito kabilang ang mas marami pang kaguluhan, ang digmaang ito ay biglang sumabog at sumambulat na lamang sa hindi inaasahang pagkakataon.

Bida sa kontrabida. Bida sa bida. Kontrabida sa kontrabida. Lahat ay lumalaban para sa sarili nilang kagustuhan, at karapatang mabuhay nang malaya. Nawawalan na nga ba ng saysay ang mga kwento? Wala na nga ba ang mga dapat matutunan sa pagbabasa ng mabungang panitikan? Nasaan na ang Organisasyon sa gitna ng kritikal na panahon na ito? Tuluyan na nga kaya nilang maibabagsak ang Lupon?

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Mang Inasal.

Comments

Popular Posts