Beatrice

 "Multo nga siya!"


"Sino? Sino siya?"

"Ang tunay na mamamatay tao."

"Hindi kita maintindihan, Beatrice. Ano ba ang nangyayari? Kinakabahan na ako."

"Siya nga. Siya ang multo na iyan, Joaquin."

"Anong multo? Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Matagal ko nang hinanap ang multong iyan para pabulaan ang lahat ng ibinibintang nila sa amin. Nang dahil sa multong iyan, nasira ang buo naming pamilya! Magbabayad sila!"

"Wala akong maaninag, Beatrice. Ilalabas ko ang aking gintong rebolber. Nasaan siya? Sabihin mo!"

"Nasa harap mo lamang siya."


"Itututok ko sa kanya ang aking gintong rebolber."

"Iputok mo, Joaquin. Ngayon na!"

"Nasangga niya, Beatrice, kahit sunod-sunod ang putok ng gintong rebolber. Nasaan na siya ngayon?"

"Mag-ingat ka, Joaquin. Magaling siya sa pag-gamit ng kanyang Retina."

"Saan nanggagaling ang kanyang atake? Paano mo nalamang aatake siya!"

"Alam ko. Isa akong Bida-Kontrabida kaya alam ko. Nakikita ko ang kanyang bawat galaw, kahit anong galing niyang magtago."

"Nasangga niyang muli ang bala ng gintong rebolber ko. Nararamdaman ko ang enerhiya ng kanyang multo, subalit hindi ko siya makita."

"Nandito lamang siya. Hindi siya makakaalis." Katapusan na niya."

"Huwag kang lalabag sa batas ng Organisasyon, Beatrice."

"Oo. Tama. Walang lalabag sa mga alituntunin. Pero hindi ibig sabihin na hindi siya mamamatay."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Bench/.

Comments

Popular Posts