Sumpa

 "Ang ganda ng dagat, kuya. Parang ang sarap lumangoy. Kung hindi lang sana dahil sa sakit ko, pwede sana akong maligo ngayon."

Nakatingin si bunso sa kanyang kuya, habang itinutulak nito ang kanyang wheelchair. Napakaganda nga ng dagat at umiihip ang preskong hangin.

"Naaalala mo pa rin ba ang lahat ng mga nangyari?"

Napabuntong hininga na lamang si bunso sa tanong na iyon. Siyempre, natatandaan niya ang lahat. Nakatatak pa rin sa kanyang utak ang mga litrato ang trahedya na nangyari nang gabing iyon. Alam niyang nalunod si Francisco nang dahil sa kanya.


"Oo. Nakakalungkot, hindi ba? Dahil..."

Napatigil siya bigla habang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"...dahil ako dapat ang namatay."

Naiintindihan ni kuya kung saan siya nanggagaling.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Napakalakas mg alon habang kinakain tayo ng dagat. Subalit kung hindi nangyari iyon, hindi tayo makakawala sa sumpang dala ng ganid."

Tumango si bunso. "Subalit sila naman ang magkakasumpa."

Nakatungo na lamang sila pareho. Tunay ngang lumipat lamang ang sumpa sa iba, ngunit may magagawa ba sila?

x--------x

Ang maikling kwento ay itinaguyod ng Maya.

Comments

Popular Posts