Puso

 "Hindi ko sinasadya, Olivia. Nabigla lamang ako. Hindi ko sinasadyang pagbuhatan ka ng kamay. Siya! Siya ang may kasalanan! Ibinubulong niya sa akin ang mga bagay na dapat kong pagselosan. Pinupuno niya ako ng galit, Olivia!"

Nasa gilid lamang ng silid si Olivia. Namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak. May mga latay din siya sa katawan at may mga galos sa leeg dahilan sa pagkakasakal. Tuloy pa rin ang kanyang paghikbi.

"Mahal kita  Olivia. Alam mo 'yan."


Sa kabuuan ng kanilang pagsasama, tila nasanay na siya sa mga ginagawa ni Andres matapos siyang gulpihin dahil sa selos. Madalas na rin niyang marinig na isinisisi ng kanyang asawa ang mga bumubulong sa kanya upang bigyan dahilan ang mga pambubugbog sa kanya.

"Sumagot ka. Mahal kita hindi ba? Huwag mo na kasing ulitin para hindi kita masaktan."

Alam niyang hindi tama ang pananakit sa kanya subalit wala naman siyang magagawa. Wala naman siyang pera para makaalis sa bahay na iyon. Wala rin siyang trabaho. Buong linggo lamang siyang nakakulong sa bahay. Maghihintay kung kailan babalik si Andres upang siya ay makapagluto at makakain.

"Huwag mo kong iwan, Olivia. Mahal na mahal kita. Hindi ko sinasadya."

Alam ni Olivia ang sagot sa mga tanong na ito. Magpapaamo na naman siya. Magpapakatangang muli hanggang sa susunod na pagseselos ni Andres. Ganoon talaga. Wala naman siyang magagawa. Kailangang tumuloy ang buhay sa susunod na bukas. 

x--------x

Ang maikling kwento ay hatid ng Robinson's Supermarket.

Comments

Popular Posts