Pandinig

 Matamang nakikinig si Joaquin sa ikinukwento ni Beatrice. Unti-unti siyang kinilabutan habang matingkad na inilalarawan ng huli ang mga pangyayari. Huminto panandalian sa pagsasalita si Beatrice para magbuntong-hininga. 

"Pagkatapos, anong nangyari?" tanong ni Joaquin. Hindi na siya makapaghintay sa karugtong ng mga kwento.

Sumagot si Beatrice. "Kinabukasan, umatake sa kapitbahayan ang mga Aswang Pulis. Nabulabog ang lahat."

"Umatake?" nagtanong ulit si Joaquin. "Paanong umatake?"


"Isang araw, nakita na lamang sa lugar ang isang batang nakahandusay sa sahig. May kagat siya ng Aswang sa leeg. Alam naming Aswang Pulis ang gumawa sa kadahilanang hindi naman kinain ang kanyang puso. Nakakaawa ang bata, Joaquin. Anong kasalanan ng bata sa kanila?!"

Biglang nalungkot si Joaquin. Alam niya eksakto kung anong nararamdaman ni Beatrice.

"Hindi ninyo inireklamo ang mga Aswang Pulis?" marahan na tanong ni Joaquin. "Anong ginawa ng Liga ng mga Kontrabida?"

"Wala silang pakialam!" may muhi ang sagot ni Beatrice. "Basta kailangan lamang nilang mahuli ang aking ama. Hindi sila marunong maawa!" Napahagulgol na si Beatrice sa puntong ito.

"Bakit? Bakit hindi sila interesado na tulungan at imbestigahan ang mga pangyayari? Sino ba kasi ang batang ito?" may pang-uusisa ang tinig ni Joaquin.

"Hindi ko rin alam. Natatakot ako, Joaquin."

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts