Multo III

 Nakatitig si Maria sa kanyang ina habang nagtatanong ng mga mahihiwagang bagay sa kanyang ina, mga tanong na naghahanap ng kasagutan subalit walang masulingan. Mga bagay na hindi maipaliwanag ng agham at medesina.

"Mommy, totoo po ba ang mga multo?"

Napangiti si Hilda sa tanong ni Maria. "Bakit mo naman naitanong anak? Siyempre hindi. Nakakita ka na ba ng multo?"

"Parang may nakikita po kasi ako sa bahay, mommy. Sabi niya, Isabel daw ang pangalan niya. Lagi niyang gustong makipaglaro sa akin. Hindi naman siya nakakatakot. Masaya po siyang kalaro."


Biglang nabahala si Hilda. "Pasensiya ka na anak kung kailangan nating lumipat na naman ng bahay. Sigurado ako makakakuha ka naman ng mga bagong kaibigan sa paaralan."

Ngumiti si Maria. "Wala pong problema, mommy. Napakabait naman ni Isabel."

Hinaplos ni Hilda ang mukha ni Maria. Nakikita niya na bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Mahirap din naman kasi 'yung laging kailangan mong makisama na naman at makipagkaibigan dahil wala kang kakilala. Bagong pakikisama na naman.

"Mabait naman ba si Isabel?"

"Opo naman, mommy. Naglalaro po kami ng taguan at lagi po akong nagpapatulong sa kanyang hanapin ako dito sa bahay."

x--------x

Amg maikling kwento ay inihatid ng Chowking.

Comments

Popular Posts