Sumpa

 May nakikita ako sa dagat. May nalulunod. Humihingi siya ng tulong, subalit wala akong magawa. Hindi ko alam. Pero para akong nakatanikala. Nakakandado ang mga tali sa aking mga hita. Tinatangka kong kumilos, subalit wala. Tuluyan na akong nanghina at nawalan ng malay.

Nakatulog na pala ako. Unti-unti, nanaginip ako tungkol sa kanila. Naaalala ko pa ang mag-asawang iyon. Nabili nila ang bahay malapit sa dagat. Gagawin daw nilang bahay bakasyunan ang tahanang iyon. Dali-dali namang nagpasalamat ang nagbebenta ng bahay. Mura kasi niyang inalok ito, sa presyong palugi.


Hindi nila alam na naisumpa ang bahay. Maraming kababalaghan ang nangyayari roon. Unti-unti, umiiwas na sa kanila ang mga kapitbahay. Bigla silang naging mga estranghero. Nawala ang kanilang mga kaibigan.

Naging ganoon ang mga pangyayari habang pabalik-balik sila sa bahay sa dagat mula sa Nueva Ecija. Sa bawat yapak nila sa dalampasigan ay tila nakikisama naman ang mga buhangin sa dagat. May kapayapaan ang dulot ng mga alon.

"Mag-ingat kayo kay Isabel," ang sabi ng matanda sa kanila, isang araw nang kami ay naglalakad sa iskinita  papunta sa bahay.

"Sino po si Isabel?" tanong ko.

"Ikaw si Joaquin, hindi ba?"

Tumango ako. Tumango pabalik ang matanda.

x-------x

The Chapter is sponsored by Dior Homme Silk Bow Tie.

Comments

Popular Posts