Retina

 Kitang-kita ng kanyang mga mata ang mga pangyayari noong tinangka ng mga Aswang Pulis na arestuhin ang lalaking tinagurian nilang "rebelde." Ang rebelde ay pinaghahahanap sa kasong rebelyon, at ang operasyon laban sa kanya ay unti-unti nang isinasakatuparan. Kailangan na niyang mahuli sa lalong madaling panahon.

Siya ang tauhan na ipinada ng Konseho ng Bida upang bantayan ang proseso ng paggulong ng batas, upang sila ay makatalima sa itinatadhana ng batas ng Organisasyon. Pilit nilang hinuhuli ang rebelde sapagkat para itong isang palos sa bilis ng kanyang paraan ng pagtakas. Nagtatago ito sa lantarang pandaraya.


Nasulyapan nga ng mga pangkaraniwang tao ang mga Aswang Pulis habang sila ay pumasok sa isa sa mga silid ng bahay na iyon. Sa dami kasi ng lagusan sa bahay ay hindi na namalayan ng pulisya na sila ay nakikita na ng mga kapitbahay mula sa loob.

"May nakakita sa atin!"

"Madali kayo!"

"Huwag hayaang makatakas!"

Ito na ang hudyat.

Pagkatapos ng tagpong ito ay nagmadali siyang kumilos. Pinagana niya ang kanyang retina sa kaliwang mata, ang kapangyarihan ng mga bida, upang ibalik ang nakaraan. Mula roon ay pilit niyang ikukubli ang pangyayari upang ayusin ang kanilang mga pagkakamali.

Hindi maaaring masilayan ng mga pangkaraniwan ang mga aswang.

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Foodpanda.

Comments

Popular Posts