Berde

 Matagal na niyang binabantayan ang mag-asawa sa bahay na iyon. Araw-araw na lang na nag-aaway ang dalawa, at madalas ay nauuwi ito sa sakitan at karahasan. Bagaman nakakaalarma na ito, hindi naman maka-akto ang Bida upang pigilan na ang mga abusong ginagawa ng lalaki sa kanyang kabiyak sapagkat wala pang pag-uutos mula sa Konseho ng Bida.

Ngunit habang naghahantay si Dexter, ang kanyang pangalan, may natuklasan siyang nakakabahala. May nakatagong gintong rebolber sa asawang babae, subalit hindi naman niya matukoy kung isa siyang Kontrabida o isang espiya.

"Walangh*ya ka talaga! Nanlalalaki ka na naman! Hindi ka na talaga mapigil sa paglabas-labas, ha! Pumasok ka sa bahay!"


Nakikita niyang kinakaladkad ng lalaki ang babae habang nakasabunot ito sa mahabang buhok nito. Nagsimula na naman ang away dahil sa selos.

"Wala akong ginagawang masama! Bitiwan mo ko!"

Sumagot muli ang lalaki. Isang malakas na sigaw.

"Akala mo matatakasan mo ko? Hinding-hindi mo ko matatakasan. Hindi ikaw ang maglalagay ng ipot ng ibon sa aking bumbunan!"

Lalo pang hinatak ng lalaki ang buhok ng asawang babae habang hinahatak ito papasok sa bahay. Tila wala nang makakatakas sa sumpang ito.

"Akin ka lang! Hindi ka makakatakas!"

Gustong-gusto na niyang gamitin ang retina, ang armas ng kanyang berdeng mata, subalit wala muna siyang magagawa sa ngayon. Pagbabantay lamang ang kanyang kayang gawin sa mga oras na ito.

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts