Bawal

 "Hindi ka maaring magpakasal sa kanya! Hinding-hindi," turan ng matanda sa kanya. "Malakas ang kutob ko na may masama siyang pakay sa pagpapakasal sa iyo."

Tumango ang kanyang kausap, bagaman bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan. "Huli na po ang lahat para umatras pa."

Napabuntong-hininga na lamang ang matanda, umiiling-iling. "Hangga't hindi pa kayo humaharap sa altar may pag-asa pa. Pankinggan mo ako, hija."


"Mahal ko siya, manang," sagot niya. "Tiwala naman ako na hindi niya ako sasaktan. Mahal niya naman ako. Nararamdaman ko po iyon."

"Paano kung saktan ka niya? Alam mo naman kung paano siya magalit. Paano kung bugbugin ka niya? Pagmalupitan?"

"Ako naman po talaga ang may kasalanan kung bakit siya nagalit, e," sagot niya pabalik.

Hindi na kaagad sumagot ang matanda. Alam niyang may masamang idudulot ang kasalang ito. May tila mga boses ang bumubulong sa kanya, nagbababala ng sigwang paparating.

"Mag-iingat ka na lamang, hija," pagtatapos ng matanda. "Mukhang hindi na kita talaga mapipigilan."

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts