Bata

 Noon lang din nakilala ni Hilda ang matandang katiwala sa bahay na iyon. Helen daw ang kanyang pangalan, pero tawagin na lamang daw siyang Manang Helen.

Maraming kwento si Manang Helen tungkol sa bahay na 'yon, lalo na ang masasayang alaala ng mga dating nakatira roon. Sabi pa niya, napakasaya raw ng mga may-ari tuwing may piging sa tahanan. Larawan daw ng ulirang mag-anak ang kanyang mga amo.

Wala naman talagang balak lumipat ng Nueva Ecija sina Helen at ang kanyang pamilya, subalit nadestino ang kanyang asawa sa Cabanatuan. Gaya ng dati, kailangan din niyang ilipat si Maria ng paaralan sa gitna ng taunang pampaaralan.


Matalinong bata si Maria. Bibo, sabi ng karamihan. At bakit nga ba hindi? Talaga namang nagmana sa kanyang ama ang bata.

Noong unang nakita ng bata ang bahay, parang napakasaya niyang nakikipaglaro sa alaala ng bahay na iyon. Magaan daw ang kanyang pakiramdam habang nililibot ang bahay, kaya kung pwede, doon na raw sila manirahan. Napangiti naman si Hilda. Parang itinadha silang manirahan sa bahay ba 'yon. Bukod sa maganda na kasi ito, napakamura pa ng presyo.

Masaya naman si Manang Helen na bibilhin na nila ang bahay. Subalit umiiwas siya ng tingin. Ang kanyang mga ngiti ay parang mapusyaw at may itinatagong sikreto.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SM Supermalls.

Comments

Popular Posts