Pagtakas

 "Ganun ba? Grabe naman pala ang nangyari sa kanya. Kinilabutan tuloy ako. Nasaan nga pala si Alvin? Anong nangyari sa kanya?"

Seryoso ang tanong ni Joaquin. Nais niyang malaman ang buong katotohanan, at kung bakit hindi siya kayang pakawalan ng kanyang ama. Nakalulungkot mang usisain, subalit nangungulit ang kanyang konsensiya. Kailangan niyang malaman.

Tumango si Beatrice. Naiintindihan niya ang kuryusidad sa kanyang mga mata.


"Walang nakaaalam ng gunay na nangyari. Isang araw, bigla na lamang siyang nawala. May nagsasabi na may dumukot sa kanya na 'mukhang mga halimaw' sang-ayon sa mga nakasaksi. Ang iba naman, pinatay raw siya ng mga tauhan ng antique shop upang paghigantihan ang kanilang pamilya."

Sadyang napatigil si Beatrice; nangingilid ang kanyang luha.

"Ikaw, anong alam mo?"

Napatango si Beatrice.

"Pinagbintangan nila ang aming pamilya na pumatay kay Alvin. Sinimulan nila kaming itaboy. Gusto nila kaming patayin. Sa dis oras ng gabi, may mga dala silang itak. Pinagtatataga nila kami hanggang sa napilitan na kaming umalis sa aming lugar. Tumakas."

"Bakit?" tugon ni Joaquin.

"Pinagbintangan nila kaming mga aswang."

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts