Gunita

 Siya nga ba? Tama nga ba?
Bakit ganoon? Sino ang may sala?
Paghihiganti. Subalit, paano? Kailan?
Tunay nga kaya ang nararamdaman?
Pero. Isa itong malaking kamalian.
Alam ko. Nararamdaman ko.

Kaya nga, tayo ay sumulong. Makalimot.
Ating harapin ang bukas, bagaman may kirot.
Malimutan kaya natin ang kanilang ginawa?
Maaari nga kaya nating lumakad sa bukas-
Nang walang poot o alinlangan?


Nawa'y maganap nga ito sa ating buhay.
Pagalingin tayo sa galit ng paghihiganti.
Ating maalala nawa ang mga kabutihan.
Ating iwaksi ang ano pa man,
Kabigatan sa puso ay mawala.

O, Isabel, ano nga bang parusa ito?
Bakit kami ay iyong kinandado?
Kami ba ay mga bida kontrabida-
Sa iyong gunita kami ay wala?

Ikinahon mo rin ba kami sa isang silid?
Huwag mo kaming hayaang mag-isip.
Sapagkat kami ay bulag sa sakit,
Kami ay salat sa pag-ibig.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Surplus.

Comments

Popular Posts