Salarin

 "Anong nangyari pagkatapos? Nasaan ang mga aswang? Bakit nila huhulihin ang iyong ama? Hindi ba bawal magpakita ang mga Aswang Pulis sa mga mortal?"

"Totoo. Subalit wala silang pakialam. Gusto lamang nilang hulihin ang ama. Siya ay ikulong upang ipahiya. Saktan ang kanyang kalooban. Pagtawanan. Kung alam mo lang Joaquin kung ano ang tunay na nangyari."

"Ano nga ba ang nangyari? Bakit lumabis ang mga Aswang Pulis sa kanilang tungkulin?"


"Kinaladlad nila siya! Pilit nilang hinatak ang ama mula sa sahig. Nagkagulo ang lahat. Maingay. May mga sigawan. Lahat ay ramdam ang tensiyon. Malakas ang boses ng mga Aswang Pulis. Hindi mo kakayanin ang mga pangyayari."

"Kaya ko, Beatrice. Ano pa ang nangyari?"

"Kinagat ng aswang ang leeg ng ama. Pinarusahan na nila siya. Wala silang awa! Walang kasalanan ang ama. Hindi nila binigyan ng patas na paglilitis ang ama. Ang mga aswang at mga kontrabida ang salarin!"

"Salarin? Anong salarin?"

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Ramen Nagi.

Comments

Popular Posts