Aresto

 "Ha? Bakit? Bakit nila kayo pinaghinalaang mga aswang? Anong mayroon?"

"Hindi ko rin alam, Joaquin. Pero ang sabi ng lola, galit na galit daw sila sa amin. Dumating pa nga sa punto na pati taumbayan ay ninais nila kaming patayin. Siguro ay nakita nila ang mga Aswang Pulis sa bakuran ng aming bahay noong tinangka nilang damputin ang tatay."

"Damputin? Anong kasalanan ng iyong ama, Beatrice."


"Iyan nga ang malaking katanungan. Basta ang alam ko lang, hinahanap siya ng Liga ng mga Kontrabida. Tungkol yata ito sa isang pangyayari noong nakaraan kung saan nasangkot ang tatay sa isang kontrobersiya... hindi ko na alam kung ano ang tunay na nangyari. Hindi ko kaya."

"Paano ako makakatulong?

"Salamat, Joaquin. Malaking tulong na ang presensiya mo sa Spirit Questors. Marahil, makakausap ko nang muli ang tatay. Subalit may problemang kailangan suungin."

"Ano 'yun?"

"Kailangan kong hanapin ang kandado."

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Mercury Drug.

Comments

Popular Posts