Girian

 Binaril ng isang kontrabida ang masamang espiritu gamit ang kaniyang gintong rebolber. Tinamaan niya ito habang papatakas. Kagyat na nawala nito nang tamaan ng bala.

"Madali kayo! Huwag ninyong hayaang makatakas sila!"

May tatlong kontrabida mula sa kanyang likuran ang gumamit din ng gintong rebolber at nakatama rin ng masasamang espiritu. Pilit na gumaganti ang masamang espiritu sa pamamagitan ng pagsanib sa kanila subalit tila mailap din ang mga kontrabidang naatasan ng Liga ng mga Kontrabida upang payapain ang lugar.


"May tatlo! Banda rito!"

Nagkaputakan na naman sa gilid ng silid. Nakakandado pa rin ang pintuan nito, at hindi pa rin makapasok ang mga Aswang Pulis sa lugar at kailangang mahanap ng Liga ang pinanggagalingan nito.

Isang kontrabida ang halos masapian ng masamang espiritu subalit mabilis siyang nakaiwas, nabaril naman niya ito pagkatapos.

"Nasaan ang kandadong iyon? Ang kandadong pumipigil sa mga Aswang Pulis? Madali kayo!"

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts