Anyo

 Ano nga ba ang tunay na pag-ibig? Paano nga ba ang umibig? Sino nga ba ang mga bida sa pag-ibig? Mayroon bang kontrabida sa pag-ibig at posible nga ba ito? Saan nga ba matatagpuan ang pag-ibig? Bakit may nasasaktan sa pag-ibig?

Maraming uri ng pag-ibig, sabi nila. Lahat ng tao ay naghahanap nga ng mga anyo ng pag-ibig, subalit karamihan ay hindi ito matagpuan. Silang mga hindi makakita ay sumusuko na lamang, marahil sila ay manhid na upang maramdaman pa ang pag-ibig galing sa iba.

Ang mga anyo, bagaman sila ay iisa lamang ang uri, ay mahirap hanapin, lalo na kung hindi nila ito naiintindihan. Sadyang ang pag-ibig ay kay hirap hanapin, lalo na kung ito ay wagas at totoo.


Kalaban nga ba ang pag-ibig o kakampi?

Bakit may mga umiibig na nasira dahil dito? Tunay nga bang lahat ng sobra ay tama? Ano ang mga anyo ng pag-ibig at bakit mahirap itong hanapin? O kung mahanap man ay bakit nagdudulot ito ng sakit, o ng trahedya? 

Bakit ang hirap umibig?

Sadya ngang kay hirap unawain. Lahat ng makata ay nalilito na ring pag-usapan ang pag-ibig at ang janilang iniibig, bagaman lahat sila ay masayang i-kwento ang mga nararamdanan nila dulit ng mga iba't-ibang anyo ng pag-ibig. Lahat sila ay naging sigurado, bagaman iba-iba ang nilalahad ng kanilang mga taludtod tungkol sa pag-ibig.

Emosyon nga lang ba ang pag-ibig? O mas malalim pa ito?

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Adidas.

Comments

Popular Posts