Alvin

 "Tangapin  mo na ang katotohanan na patay na si Alvin. Hindi na siya babalik. Itigil na natin ang kahibangang ito!"

"Hindi. Kailangan kong makausap si Alvin. Maibabalik ko pa siya mula sa kamatayan. Tama. 'Yun ang sabi nila. Kailangan ko lang sundin ang mga ibinilin nila. Isang araw, lalabas si Alvin mula sa silid na 'yan. Malusog at buhay na buhay. Mayayakap kong muli ang anak ko!"

"Itigil na natin ito. Wala na si Alvin. Nariyan naman si Isabel. Kailangan din niya ang pagmamahal natin."


"Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko. Ramdam ko siya. Naririto lamang si Alvin. May pag-asa pa. Naririto lang ang anak ko!"

"Itigil na natin ito, Rodrigo. Sino ba sila? Sino ang kausap mo?"

"Si Alvin. Babalik si Alvin..."

"Patay na siya. Tanggapin na lang natin ang katotohanan."

"Hindi, Maria. Nangako siya. Ibabalik niya si Alvin. Mabubuhay ulit ang anak mo. Ang anak natin. Hindi ka ba natutuwa? Ipagkatiwala mo na lamang sa akin ang lahat."

"Hindi mo alam kung sino sila. Baka mapagamak ka!"

"Kailangang may magbantay sa silid. Baka kapag bumalik si Alvin, hindi natin siya makita. Baka isipin niyang nakalimutan na natin siya at hindi na natin siya mahal. Babalik siya!"

x------x

Amg maikling kwento ay inihatid ng Cebu Pacific Air.

Comments

Popular Posts