Pulisya

 Nag-iingat si Beatrice habang naglalakad sa gitna ng karamihan ng mga tao. Matalim ang kanyang mga tingin habang kinikilatis ang mga nakakasalubong niya. Tinitingnan niya ang kanilang mga mata upang malaman kung mqy mga Bida siyang makakasalubong na ipinadala ng Konseho upang pigilan siya sa kanyang mga plano.

Isa siyang Bida-Kontrabida at ninanais niyang maghiganti sa mga Aswang at alisin sila bilang pulis ng Organisasyon.

Nagsimula ang kanyang pagkamuhi sa mga Aswang nang hulihin nila ang kanyang ama. Tandang-tanda niya ang gabing iyon, nang dukutin nila ang kanyang ama sa salang pagtataksil sa Organisasyon ganoong wala naman silang ebidensiya.


Ano ang masama sa mga silid na iyon? Anong ebidensiya mayroon sila? Bakit hindi sila nakikinig sa mga rason ng mga taong wala namang ginagawang krimen sang-ayon sa batas?

Pilit nilang hinuli at kinaladkad ang kanyang ama. Masyadong marahas ang ginagawa nilang pag-aresto. Bilang isang bata, walang magawa si Beatrice kung hindi humikbi sa isang tabi. Inilabas na ngayon ng mga Aswang Pulis ang kanilang mga sibat. May lason na dugo ang talim ng mga iyon. Natatakot na si Beatrice.

Napatay nila ang kanyang ama. Ngayon na ang paghihiganti. Tuloy-tuloy ang pagsisilbi ng Spirit Questors. Napapangiti na lamang siya habang iniisip niya ang katuparan ng kanyang mga plano.

x-------x

Ang maikling kwento ay hinubog ng PLDT Home.

Comments

Popular Posts