Pangarap

 Ang mga kwento ay binubuo ng maraming mga bagay, subalit ang pinakamalaking bahagi sa mga ito ay ang mga pangarap. Maraming klase ang pangarap, at ito ay kalimitang nanggagaling sa mga bata. Sa loob ng kanilang mga inosenteng pag-iisip ay mga kwentong nagtataglay ng mga pangarap.

Dahilan nga sa mga kwentong ito kaya't naitatag ang Organisasyon. Sa tagal ng kanilang pagtatago sa mga kwentong ito ay lumawak na nga ang kanilang mga sakop na tungkulin, upang mabuo nga ang Koseho ng Bida, Liga ng mga Kontrabida, at Lupon ng Organisasyon.


Maselan ang mga pangarap na ito, kung kaya't ang mga kwento sa likod ng mga pangarap ay masusing inaalagaan at binabalanse. Importanteng maabot ng mga bata ang kanilang minimithi sa buhay.

Naging tradisyon na nga ng Organisasyon na pumili ng isang pangarap na kanilang tutuparin sa pamamagitan ng kanilang lakas, subalit ito ay inabuso ng isang kasapi ng Liga ng mga Kontrabida. Mahabang kwento ang nangyayari, bagaman sa simpleng salita ay gumawa sila ng isang silid na magiging pintuan sa iba't-ibang dimensiyon upang nakawin ang mga pangarap.

Simula nga noon, itinuring na silang mga rebelde. Isinilang na nga ang mga Aswang Pulis pagkatapos ng trahedyang ito. Sila ang lilipol sa mga karakter na sisira sa Organisasyon at limitahan ang kanilang pagnanakaw ng mga pangarap.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts