Lider

 "Nakita na ba ng Liga ng mga Kontrabida ang tamang silid? Marapat na ba tayong maghanda upang sumugod doon? Sapagkat kailangang mauna tayong pumaroon bilang tagapagtanggol ng Organisasyon. Kailangan naroon tayo bilang mga Pulis."

Ang Lider ng mga Aswang Pulis ang nagsasalita sa harap ng hukbong naatasan upang tuntunin ang lokasyon ng Silid na iyon. Ang pagtatayo ng portal mula sa lugar na iyon ay hindi kailanman pinayagan ng Organisasyon.


"Kailangan nating tuntunin si Isabel," tugon ni Edward. "Siya lamang ang nananatiling kwento tungkol sa kababalaghan sa lugar na iyon."

"Subalit ang kanyang Ama?" tanong ng Lider na si Herbert.

"Walang nakakaalam," tugon muli ni Edward. "Nalilimutan nila ang mga pangyayari. Kaya nga nahihirapan kaming tuntunin ang kwentong ito."

"At si Joaquin?"

Napailing na lamang si Edward.

"Wala pa kaming balita. Subalit nagpahatid na ako ng sugo sa kanya."

x--------x

Ang maikling kwento ay hatid ng Shakey's.

Comments

Popular Posts