Simula

Naramdaman ng Aswang Pulis ang mga pangyayari, at nasisiguro niyang magsisimula na ang lahat. Alam niyang mangyayari ito sa mabilis na paraan, sapagkat si Joaquin ay sadya talagang marupok pagdating sa pag-ibig.

Alam din niyang nangungulila si Beatrice, at mayroon din siyang hinahanap. Sadya ngang magulo ang maging kasapi ng Liga ng mga Kontrabida, sapagkat mahirap magtiwala sa kung sino ang mga nagsasabi ng katotohanan. Mahirap alamin ang pagkakaiba ng mabuting kaaway sa totoong katunggali.


Nagsimula ang lahat ng mga kaguluhan sa pagkakaroon ng kalayang maghanap ng mga bagong kasapi sa Liga, at sa pagtawid sa iba't-ibang aklat at kwento, nagkaroon ng 'di inaasahang epekto sa daloy ng mga pangungusap. Tila ang mga taludtod ay nabahiran ng kasakiman.

Ngayon, simula na ng mga paghahanap. Umaasa ang Liga ng mga Kontrabida na maayos din ang mga pangungusap sa mabuti nitong kalagayan kagaya noong una. Maaring matagalan sa una ang paghahanap ng mga karakter sa tunay nilang pagkatao. At kapag nangyari ito, makikipagtuos silang mga Aswang Pulis sa masasamang espiritu.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts