Ligalig

 Nagsimula na ang lahat. Unti-unti nang nararamdaman ng masasamang espiritu ang mga galaw ng Liga ng mga Kontrabida. Higit sa lahat, nalalaman na nilang naiputok na ang unang bala ng mga makabagong gintong rebolber.

Ang Konseho ng Bida ay nakaramdam na rin ng ligalig ukol sa hindi awtorisadong paggamit ng gintong rebolber. Mula sa kanilang mga berdeng mata ay ang liwanag na hudyat upang pigilan ang mga kasalukuyang pangyayari, kung kaya't humahanda na silang lipulin ang mga Kontrabidang sinasapian ng mga masamang espiritu.


Siya nga pala si Eric, isa sa mga magagaling na kagawad ng Konseho ng mga Bida. Nalalaman niyang delikado ang misyon na ito, subalit wala nang panahon upang mag-alinlangan pa. Kailangang isantabi ang mga agam-agam.

Hinahanap niya ang tamang pintuan upang pasukin ang tumpak na mundong kailangan niyang pasukin. Ginamit niya ang kanyang kaliwang mata; nagliwanag ito habang unti-unti niyang sinusuri ang mga pangyayari sa bawat pinto.

Nang nahanap niya ang mga Kontrabidang kanyang hinahanap, patakbo siyang pumasok sa isa sa mga pintuang nasa harap niya.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Chooks-to-Go.

Comments

Popular Posts