Layunin

 Ang pagkabida ba ay mas mainam kaysa sa pagka-kontrabida kung susuriin ang mga layunin ng kanilang mga puso at alab ng kanilang mga damdamin? Sino sa atin ang makakaalam ng tunay na minimithi ng kanilang mga gunita upang sabihin kung sino sa kanila talaga ang mabuti o masama?


Kaya nga't tayo ay nagbabasa ng kanilang mga kwento upang malaman ang sagot sa mga tanong na ito. Marahan nating sinusundan ang bawat eksena, ang mga bawat komentaryo ng manunulat tungkol sa kanilang pagkakakilanlan. Tunay nga, bida man o kontrabida, lahat sila ay may indibidwal na itinatagong kwento. Lahat ay may dahilan kung kaya't ginawa nila ang mga hindi dapat nilang ginawa. O kung bakit marapat na ginawa nila ang mga bagay na ginawa nila.

Sa bawat kwento, magkatuwang ang mga bida at ang mga kontrabida. Hindi sila maaaring paghiwalayin sapagkat parte sila ng jwentong isinasaad. Hindi maaring bida lamang ang magkukwento ng kanyang mga nalalaman. Marapat na mayroong mga kontrabidang susubok sa kanyang katatagan. Tunay nga na ang pagkabida ay nakikita sa kanyang pagbangon sa gitna ng mga pagsubok.

Bida man o kontrabida, iisa lamang ang kanilang mga layunin: upang maging isang Ayani. At makakamit lamang nila ito kung ang kanilang pagkabida o kontrabida ay nagresulta sa kanilang pag-ahon sa mga imposibleng pagsubok at trahedya.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Kenny Rogers Roasters.

Comments

Popular Posts