Gisingin

"J-Joaquin . . . ? Ayos ka lang ba? Nagsasalita ka kasi habang natutulog."

Mabilis na naitabi ni Beatrice ang gintong rebolber sa loob ng drawer ng side table bago pa man magising si Joaquin. Nakabihis na siya habang nakahubad pa rin ang kanyang bisita, nakahiga pa rin sa kama at hindi pa nagkakaulirat.

"Naghanda na ng agahan si Manang. Kumain ka muna bago umalis," sambit muli ni Beatrice.


"Sino ka?" tanong ni Joaquin. Matapang ang kanyang boses.

"Sino?" tanong ni Beatrice.

"Beatrice, umalis ka sa tabi niya! Mamamatay tao 'yan!"

"Ha?"

Nilundag ni Joaquin ang lalaking nagpakita sa gilid ni Beatrice at sinuntok ito. May malakas na ungol ang bumalot sa loob ng silid. Tunog ito na nanggagaling sa isang halimaw.

Patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Joaquin sa halimaw, habang sumisigaw pa rin si Beatrice.

"Sino siya, Joaquin? Hindi ko siya makita!"

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Nike Air Men's Presto.

Comments

Popular Posts