Panlilinlang

"Alam mo na, Joaquin? Totoo ba?" 

Nangingilid ang luha ni Beatrice matapos siyang kausapin ni Joaquin tungkol sa Liga ng mga Kontrabida, at sa lahat ng kanilang pagtatangjang linlangin siya. Nalalaman na raw niya ang lahat at hindi makatatakas ang mga Spirit Questors sa lahat ng kanilang mga kasalanan.

"Totoong mga kontrabida kami subalit hindi kami ang kalaban. Naririto kami upang tulungan kang hanapin ang mga kaluluwang naliligaw."

Nagulat si Joaquin. "Anong mga kaluluwa?"


"Sinasabi ko na nga ba na hindi mo pa rin nalalaman ang lahat. Kailangan mong hanapin ang tatlong mga kaluluwang nagnanais tumawid mula rito papunta sa dako pa roon. Ang kanilang mga pagtatangkang pumaroon ang hinhintay ng mga masasamang espiritu upang marating nila ang silid na magtatawid sa kanila sa mundo ng Kariktan."

Tumingin ng mata sa mata si Beatrice kay Joaquin.

"Sino ang mga kaluluwang ito?"

Natawa si Beatrice. "Hindi ba't sumali ka sa Spirit Questors? Sila nga ang hinahanap natin."

Tumango na lamang si Joaquin, subalit naguguluhan pa rin. Pati si Beatrice, nalungkot ang kanyang mga mata. May mga lihim nga siyang kailangang itago. Para sa ikabubuti ng lahat.

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts