Panaginip

Hindi namalayan ni Joaquin ang lahat, sapagkat malalim ang kanyang panaginip. Nakikita niya ang isang lalaki na may hawak na sintron, at hinahataw niya ang kanyang asawa gamit iyon. Sinubukan niyang awatin ang lalaki subalit tumagos lamang ito sa kanya. Isa na lamang ba siyang multo?

"Tumigil ka na!" sigaw ng babae. "Wala kaming relasyon!"

Hinataw niyang muli ang babae. "Sinungaling ka! Ano ngayon ito?"

Ipinakita ng lalaki ang isang T-shirt sa babae habang iwinawasiwas ito.


"Hindi ko alam kung kanino 'yan. Pakawalan mo na ako!"

"Hay*p ka talaga! Pati ako niloloko mo!" Halika, doon ka sa silid mo! Ikukulong kita roon hanggang hindi ka umaamin!"

"Bitiwan mo ako! Pakawalan mo ako!"

Hinawakan ng lalaki ang mahabang buhok ng babae at marahas na kinaladkad ito patungo sa isang silid sa ikalawang palapag ng bahay.

"Bitawan mo ako! Maawa ka sa akin."

Ibinalibag niya ang babae sa silid at mabilis na ikinandado ang pinto. Pag linga niya sa ibaba ay nakita niya si Joaquin. Nanlaki ang mata nito.

"I-ikaw?" sambit nito.

Biglang may tumagos na ilaw mula kay Joaquin patungo sa kanya at tinamaan ang lalaki. Mabilis itong bumulagta matapos itong tamaan sa dibdib.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Megaworld.

Comments

Popular Posts