Pamamaril

 Sadya nga yatang mapaglaro ang pagkakataon. Madalas, mas sinusunod natin ang puso natin kaysa sa ating isip kaya madalas tayong napapahamak. Hindi lang kasi kaibigan ang turing ni Joaquin kay Beatrice. Nagmamahal din siya nang lubos.

Kaya nga madaling napaniwala ni Beatrice si Joaquin tungkol sa mga pangyayari, mula noong una nilang pagkikita hanggang sa pakikipag-usap ng Aswang Pulis sa kanya. Bulag niyang nilunok ang lahat ng maaring maging panganib, tiniis ang lahat ng pagdududa, hanggang sa muli niyang akapin ang retorika ni Beatrice. Sadya ngang mapangahas ang mga labing iyon.


Noong gabi ngang iyon, nahalikan niya si Beatrice sa unang pagkakataon. May nangyari rin sa kanila. Sadya ngang mabilis mag-alab ang pagmamahal; subalit madalas ito ay tanga.

Subalit nagmahal lamang si Joaquin. Wala rin naman talaga siyang alam sa mga tunay ha bangyayari.

Habang nakahiga si Joaquin sa kama, marahang bumangon si Beatrice upang pumunta sa side table kung saan nakatago ang gintong rebolber. Kinuha niya ito nang unti-unti. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang itinututok niya ito sa natutulog na si Joaquin.

May mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata. Ipinutok niya ito.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Max's Restaurant.

Comments

Popular Posts