Lihim

 Sino nga ba si Isabel? At bakit interesado ang Liga ng mga Kontrabida sa kanya? Bakit siya hinahanap? Bakit hinahabol siya ng mga multo at masasamang espiritu? Bakit siya pinatay? Ano ang kanyang lihim?

Maraming mga katanungan sa isip ni Joaquin, subalit wala na siyang oras upang isa-isang sagutin pa ang mga ito. Basta ang alam lang niya, at sigurado siya sa bagay na ito, hinahanap nila ang silid patungo sa ibang dimensiyon.



Subalit nakakandado ang silid. At nalalaman niya kung bakit. Ang Liga ng mga Kontrabida ang gumawa nito upang pigilin silang gamitin sa masamang bagay ang portal sa panahong hinaharap. Naging maagap sila, subalit hindi nagpapigil ang masasamang espiritu. Nakubkob nila ang bahay kung saan naroon ang silid.

Nagawa nilang malimutan niya ang lahat. Nakalimutan ni Isabel ang tungkol sa silid. Unti-unti, naging mahiwaga ang lahat hanggang sa nagpakita sa kanya ang masasamang espiritu upang sindakin siya. Dito nagsimula ang mga pagpapakita ng mga multo at mga sari-saring elemento.

Nabalot ng takot si Joaquin. Alam niya hindi madaling iligtas si Isabel sa kapahamakan. Hindi pa siya patay; nararamdaman niya. Ililigtas siya ng Liga sa ano pa mang paraan. Subalit may kailangan muna siyang gawin.

Haharapin na niya ang mga Spirit Questors.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Goldilocks.

Comments

Popular Posts