Saklolo

 "Sino 'yan?" tanong ni Joaquin. Hawak niya ang kanyang gintong rebolber upang magsanay nang marinig niya ang tinig ng isang babae. Isa itong boses ng pananaghoy. May takot ang timbre nito at nanghihingi ng saklolo.

"Tulungan mo akong makalabas sa silid na ito," patuloy sa panghingi ng tulong ang tinig ng babae.

"Nasaan ka?" tanong muli ni Joaquin.

"Nandito ako sa harap mo."

Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sapagkat wala namang nasa harapan niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naisipan niyang gamitin ang kanyang gintong rebolber.

"Nasa harapan ko pa rin ba ikaw?" tanong ni Joaquin. May takot na ring maririnig sa kanyang tinig.

"Oo."

Itinutok ni Joaquin ang gintong rebolber sa kanyang harapan at nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya ang isang babaeng kasama ang tatlong halimaw.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Robinsons Easy Mart.

Comments

Popular Posts