Paano?

 Paano nga kaya makawala sa tali ng kapalaran? Sadya nga kayang hinihingi ng pagkakataon na minsan tayo ay sumasalungat sa mga naisin ng iba, bagaman alam naman natin na makabubuti rin naman ang ginagawa nila?

Marahil ang buhay ay para ring pamumuno sa pulitika. May mga pabor at mayroon din namang hindi. Tila ang mundo ay isang malaking kongreso kung saan hinahati-hati ang mga kasapi nito, bilang pamahalaan at oposisyon, kaliwa o kanan. At bagaman madalas silang magkasalungat, ang mga debate ay naglalayong tugunan ang mga problema para sa ikabubuti ng lahat.


Sadyang ganyan nga ang buhay. Minsan, kailangang busisiin nang husto ang mga mungkahi upang ito ay hubaran tungo sa paghahanap sa katotohanan. Ang buhay ay may dalawang mukha na kailangang harapin. Tayo ay patuloy na humaharap sa hamon ng buhay.

Kaya nga ganyan ang naging papel ng Liga ng mga Kontrabida noong una pa man. Binuo ang organisasyon upang usisain ang mga minumungkahi ng Konseho ng mga Bida. Bagaman madalas ay sinasalungat nila ang lahat ng mga mungkahi, nananatili naman silang tapat sa mga isinasaad ng Konstitusyon. Narito sila upang alamin ang totoo.

Subalit paano kung nakurap na ang sistema? Magkakaroon nga kaya ng kaayusan? Paano nga ba? O sadyang hindi maiiwasan ang itinadhana?

x------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts